Una sa lahat, maraming nangyayari sa buhay ko na ayaw ko na lang isulat. Pangalawa, marami pa ring bayadang pagsusulat ang ginagawa ko sa ibang lugar na nakaka-ubos na rin ng oras ko. Pangatlo, dahil siguro malamigh ngayon eh umaatake na naman ang rayuma ko na kapag matagal akong nakaupo sa harap ng PC eh hindi na ako makakatayo. Makatayo man eh matigas na buong mga paa ko: mula sa thighs hanggang sa legs. Para tuloy akong robot maglakad na kapag nagkaron ng imbalance eh tiyak na babagsak ako.

Syangapala, pasensya na kayo kung nagsusulat ako ng mga bayad dito. Pambayad din yan sa kuryente namin. ;-)  Huwag kayong mag-alala, hindi ko pa isasara ang blog na ito. Medyo tagtuyot lang ngayon sa pagiging manunulat. Kunsabagay, kapag tahimik ang blog na ito, isipin nyo na lang na maraming pangyayari sa buhay ko, offline. ;-)

Sana ay nasa mabuting kalagayan, kayong lahat.