Lalo na kung ang magnanakaw ay kamag-anak mo mismo. Kamag-anak na pinatira mo na sa lupa mo at lahat. Bakit namin pinatira? Kasi mag nakakaawang nagsi-uwi galing Maynila at walang matirhan. Mga squa-qua sa Maynila na nawalan ng trabaho at nag desisyong umuwi sa probinsya. Uuwi ng probinsya na akala mo may mga lupaing babalikan!

Ay ambot! Sila yung tipong hihiram ng bigas dahil walang maisaing. Hihiram ng pera, ibabalik daw agad pero kinalimutan na. Uutang sa tindahan hanggang umapaw na ang utang nila. Pero pahihiramin mo pa rin dahil kamag-anak nga.  Hanggang umabot sa bumalik ang asawang babae sa Maynila para maghanap ulit ng trabaho. Iniwan ang mag-a-ama dito. Mga wala na rin yatang makain dahil pati laman ng refrigerator namin ay nananakaw na. Sana man lang magsabi, na nagugutom na at wala silang makain. Bibigyan naman kahit nakakabuwisit na sila. Hindi yung nanakawan ka pa.

Ang mga culprits? Dalawang teenager na anak nila, mga lalaki. At ano ang ninanakaw? Ang mga sigarilyo sa tindahan at sa loob ng bahay! Kasama na ang baryang pera na naksuksok kung saan. Malingat ka lang, wala na. Disappear na si sigarilyo. Wala na ang baryang panukli! Tumanda na ako sa lugar na ito, kahit iwanan mong bukas ang bahay mo walang mawawala. Yung tipong ihahabilin mo lang as kapitabahay na aalis ka at walang naiwan sa bahay. Times have really changed. Lalo na kung ang mga ugaling squatter eh nagbabalikan na sa probinsya.

Ang solusyon namin eh paalisin na sila hanggang maaga pa. Kumukuha lang kami ng tiyempo kung papano at kelan sasabihin. Imagine, kami na ang may-ari kami pa ang nag-iisip ng magandang paraan kung papano sasabihin sa kanila ang bad news. Yan ang hirap sa kamag-anak! Relathieves talaga. Hayyy.