Ngayon ko lang to ginawa. (Kahit mamayang gabi pa, 6 o’clock ipapalabas sa Star World ang American Idol. Syempre Wednesday night yan palabas sa America, ibig sabihin kaninang umaga dito sa ‘Pinas.) Sinilip ko ang Entertainment Section ng Google News ngayon lang. Medyo atat lang ako malaman kung sino ang naiwan sa top 2. Walastek, nadismaya ako nung nalaman kong si Danny Gokey ang naalis.

So ibig sabihin si Adam Lambert at si Kris Allen ang maglalaban sa finals night next week. By the way, live yan dito sa ‘Pinas sa Thursday sa Star World channel (kung may cable tv kayo) alas otso ng umaga. Walanghiya! Mapipilitan talaga akong magising ng maaga nito. Ha ha ha.

So parang labanan nina David at Goliath ang match nina Kris Allen at Adam Lambert. Pero safe na bang sabihin na sigurado nang Ameican Idol si Adam Lambert? Mukhang sigurado na. Pero kung totoong ‘dark horse’ si Kris Allen at makuha nya ang mas maraming votes, eh di taob si Goliath. ;)

Note: This is not a SEO campaign. I just happen to have been religiously following American Idol since 2006. (read: no episode missed! maliban na lang kung may bagyo!) Mula nang mag-resign ako sa trabaho at ako na ang may-ari ng oras ko. Pero kung nakatira ako malapit sa Hollywood? Tiyak may pictures ang Idol posts ko na kasama ako ng mga finalists. ;)  Pati mga nanay at tatay nila, may  pictures din ako.