all about gloria& all about raine22 Jun 2009 08:50 am
In the mornings, Raine and I are usually out in the road at around 6 am. Waiting for our ride.
Raine badly needs haircut. 2 X 3 daw dapat. ![]()
In the mornings, Raine and I are usually out in the road at around 6 am. Waiting for our ride.
Raine badly needs haircut. 2 X 3 daw dapat. ![]()
June 22nd, 2009 at 8:50 pm
pardon me pero ang tanga ko, what’s 2×3?
wow, 6 am and he is all up for the school. ang linis pa tingnan.
dito dahil walang uniform ang mga bata especially sa public, pumapasok lang ang mga bata ng hindi naliligo, gusot ang damit, minsan hindi pa nagsuklay.
June 22nd, 2009 at 11:22 pm
yuck naman! anong ginagawa ng mga nanay ng mga batang yan? sus. tamad siguro. naku dito alam mo naman proper hygiene. the teacher even check the kids’ nails. dapat malinis at laging gupit ang kuko.
yung 2 X 3, inches yan. 2 inches ang taas ng gupit sa may tenga, then 3 inches mula sa batok. ang labas, parang crew cut or military cut. gusto ng school kasi eh malinis ang ayos ng mga bata. so no long hair for boys.
hehe.
710 am ang flag ceremony.
June 23rd, 2009 at 12:57 am
minsan dahil parehong nagtatrabaho, walang oras, tapos yong mga bata hindi rin sanay.
ang breakfast, meron sa school, pati lunch.libre para sa mga mababa ang income ng mga parents. minimal fee para sa mga can afford. libre pa ang school bus.
mahal dito ang private school. mga 600 dollars a month para sa elementary. doon sa hindi exclusive.
karamihan pinoy ang mga nagpaparal doon kasi karamihan Catholic school. ayaw ng puti na masyado ang discipline, pero safe naman ang mga bata sa mga unruly gang na mga itim at hispanic,
June 23rd, 2009 at 7:48 am
ahhh ganyan pala. thanks for the info manay cat!
ang MAHAL ng Catholic school dyan. 2 school years na yan ng anak ko. tuition lang. puera pa lahat ng kagamitan. pati baon eh magdadala ka. parang gusto ko yang free breakfast at lunch ng school dyan. hehehe.
yeah kung andyan ako, baka sa catholic school ko rin ilagay si raine. nakakatakot ang mga gangs na yan. hayyy.
June 26th, 2009 at 11:54 am
cuuuute naalala ko tuloy yung anak ko nung ganyan pang age—
regret ko lang talaga sa buhay yung na miss ko yung paglaki nya dahil at the age of 2 iniwan ko na sya at every 6mos lang kami magkita twing uuwi ako kaya nga nung mag 8 na sya at parang ate lang ang tingin nya sakin pinilit ko na talaga ang mother ko na sumama at mag stay sila kasama ko abroad, 2years sya nag aral sa british school then di nagustuhan ng mother ko yung turo at yung pagiging masyadong maluwag ng mga teachers sa mga bata so balik pinas sila pero yung 2yrs na magkasama kami nun nya narealize na ako talaga ang mother nya di gaya ng dati na umalis dumating ako ng pinas parang wala lang sa kanya parang kilala lang nya ko na mama pero hindi mother